Masayang pagdiriwang ng Pestibal ng Parol sa Wukesong

2023-02-07 15:07:40  CRI
Share with:

Mga makukulay at pulang parol ang makikitang nakasabit sa pagdiriwang ng Pestibal ng Parol o Lantern Festival sa Huaxi Live Wukesong, isang lugar sa distrito ng Haidian, Beijing, kung saan ginaganap ang mga konsiyerto, pampalakasan at iba pang aktibidad bawat taon.


Iba’t ibang hugis ng makukulay na parol

 

Mga nakasabit na pulang parol

Nag-selfie sa gitna ng daanan


Masayang pinagdiriwang ng mga Tsino ang Pestibal ng Parol tuwing sasapit ang ikalabinlimang araw ng unang buwan sa kalendaryong Tsino, hudyat ng pagtatapos ng selebresyon ng  Pestibal ng Tagsibol o Spring Festival.


Iba’t ibang uri ng larong pambata rin ang makikita dito, tulad ng larong pangingisda, mga trampolin na may safety harness, at shooting game, mistulang perya sa sayang dulot ng pestibal.

Tinuturan kung paano mamingwit ng isda

Dino-double check ang safety harness

Naglalaro ng shooting game


Pinilihan ng mga Tsino ang larong bugtungan, kung saan sinusulat sa isang pirasong papel ang bugtong, at ididikit o isasabit sa mga parol upang sagutan. Kung tama ang sagot, makakakuha ng premyo mula sa may-akda ang naglalaro. Ito ay nilalaro ng magkakaibigan at buong pamilya upang pagtibayin ang samahan at ugnayan ng bawat isa. Ito rin ang di-mawawalang selebrasyon ng Pestibal ng Parol, kasama ng pagsasabit at pagtatanghal ng parol, at pagsasalu-salo at pagkain ng Tang Yuan o Yuan Xiao, bilu-bilong pinalamnan ng samu’t saring sangkap.

Pagbibigay ng tamang sagot mula sa may-akda

Mga nakasabit na bugtong

Nag-iisip kung paano sasagutan ang bugtong


Bukod sa makukulay na parol at nakakatuwang mga laro, hindi rin nawala sa pestibal ang paggawa ng Yuan Xiao o Tang Yuan, pagkaing hugis bilog at kulay puti, na gawa sa malagkit na bigas. Ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa, pagiging kumpleto at kaligayahan ng pamilya.

Paghahanda ng Yuan Xiao

Pinagmamasdan ang paggawa ng Yuan Xiao

Mga sangkap at lalagyan ng Yuan Xiao


Gawa sa asukal, walnut, linga, bulaklak ng osmanthus, mga talulot ng rosas, pinatamis na balat ng tangerine, bean paste, o jujube paste ang matamis na palaman. Habang puno ng tinadtad na karne, gulay o isang halo ang maalat na palaman.


Artikulo/Larawan: Ramil Santos

Pulido: Jade 

Patnugot sa website: Lito/Jade 

Espesyal na pasasalamat: Sissi at Frank