Amb. Jimi: End goal na modernisasyon ng Pilipinas at Tsina, pareho

2023-04-07 10:28:54  CMG
Share with:


“Modernisasyon ang gusto natin. Iyon din ang gusto ng China. Practical, pragmatic, dapat iyan ang ating solusyon.”

 

Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng modernisasyon ng Pilipinas at Tsina, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.

 

Inilahad ni Embahador FlorCruz na, kahit magkaiba ang Pilipinas at Tsina at magkaiba ang dalawang economy, marami ang makukuhang punto sa dinaanan at dinaraanan ng China.

 

“Unahin natin ang trabaho, ang tiyan, ang bubong, at saka after that, pagagandahin pa natin ang ating paligid, lilinisin natin ang ating environment, ang air, ang water, ang soil. Kasi kung hindi natin aayusin iyon, magkakaproblema tayo. Dumaan din ang China diyan, dumadaan din sila diyan, saad pa ni Ka Jimi.

 

Pareho aniya ang solusyon ng dalawang bansa para hawakan ang mga problema at hamon, at pareho rin ang end goal ng dalawang bansa na isakatuparan ang modernisasyon.

 

 

Ulat: Kulas

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade

Panayam: Rhio

Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang

Light: Han Peng

Audio: Yang Guohui

Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade

Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade

Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi