“ (Ang pagdalaw ni Pangulong Marcos Jr. sa Tsina ay) nagbunga naman ng 14 na agreement na nakalinya sa ating pambansang programa. Kumbaga, iyon talaga ang kailangan natin, agrikultura, energy, lalo na clean energy, infrastructure, at saka, interconnectivity din.”
Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng 14 na kasunduang pangkooperasyon na pinirmahan ng dalawang bansa sa dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. nitong nagdaang Enero, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.
Gusto aniyang magdala ang Pilipinas, sa pamamagitan ng mga kasunduang pangkooperasyon, ng mga proyekto na popondohan ng Tsina, o joint venture ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng imprastruktura, enerhiya at agrikultura, upang paramihin ang trabaho para sa mga Pilipino at palawakin ang investment ng Tsina sa Pilipinas.
Kaugnay ng pagtutulak sa naturang mga kasunduan, inilahad ni Embahador FlorCruz na, sa panig ng Pilipinas, humihingi si Pangulo Marcos Jr. ng tracking na periodic, every three months o four months, para makita kung ano ang progreso doon sa mga proyekto.
“Hindi sabi-sabi lang, hindi pirma-pirma lang, hindi photo-op lang, kundi dalhin natin talaga sa Pilipinas para kung mangyari ang mga iyon, puwede nating sabihin sa ating mga kababayan, oh, eto, eto ang magandang benepisyo na idinudulot ng magandang relasyon ng dalawang bansa,” dagdag pa ni Ka Jimi.
Inaasam aniya niyang magkasamang isusulong ng dalawang bansa ang naturang 14 na agreement, para maging katotohanan ang mga ito.
Ulat: Kulas
Patnugot sa website: Kulas
Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade
Panayam: Rhio
Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang
Light: Han Peng
Audio: Yang Guohui
Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade
Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade
Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi
Relasyong Pilipino-Sino, sa mata ni Embahador Jaime FlorCruz
Amb. Jimi: Pagbukas ng direktang linya ng komunikasyon ng DFA at MOFA, makabuluhan
Amb. Jimi: Pagkakaibang pandagat, dapat ma-manage gamit lahat ng diplomatic channels
Amb. Jimi: End goal na modernisasyon ng Pilipinas at Tsina, pareho
Amb. Jimi: Pagkikita ng dalawang pangulo, nagpapalawig ng relasyong Pilipino-Sino
Amb. Jimi: Pilipinas at Tsina complementary, pagsasanib ng dalawang bansa logical
Amb. Jimi: Synergy ng Build Better More at Belt and Road Initiative, mabunga