Unang bronze medal para sa Team PH, nasungkit ni Perez

2023-09-26 11:02:24  CMG
Share with:


 


Linggo, Setyembre, 24, 2023, sa Lin’an Sports Culture & Exhibition Centre, nasungkit ni Patrick King Perez ng Team PH, ang kauna-unahang bronze medal para sa Men’s Individual Poomsae category kontra Chanthilath Souksavanh ng Lao.

 

Natalo si Perez sa kanyang semifinal round kontra Ma Yun Zhong ng Chinese Taipei pagkatapos makakuha ng 6.910 na puntos sa taekwondo discipline, kung saan pinagsama ang freestyle at recognized poomsae.

 

Sa pamamagitan ng Zoom conference, sinabi ni Perez na ito ang kanyang unang paglahok sa Asian Games, kung saan ito ay may malaking kaakibat na responsibilidad, kaya binigyan niya ito ng matinding ensayo at preparasyon.

 

Sa totoo lang, hindi ganun kadali ang aming preparasyon, ito ay isang taong proseso at alam namin na pagkatapos ng SEA Games ay ito na ang aming susunod na malaking kompetisyon, Ani Perez.

 

Ang mga pasilidad at pag-oorganisa ng palaro, wala naman naging problema, maayos naman ang lahat, at nasusunod sa tamang oras ang palaro, dagdag ni Perez. 

 

Sa kanyang pagkapanalo ng bronze medal, naging parte ng kanyang ensayo ang mga programa ng strengthening at conditioning at pagkakaroon ng crossover na ensayo sa acrobatics at gymnastics.