Walang pahintulot na pumasok, Marso 5, 2024 ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nakapaligid na rehiyong pandagat ng Ren’ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina, para ihatid ang suplay ng pagkukumpuni at pagpapatibay sa sadyang-isinadsad na BRP Siera Madre.
Sa isang video na inilabas ng panig Tsino, kitang-kita na ang bapor ng PCG na may numerong 4407 ay nagbulag-bulagan sa paulit-ulit na alerto ng panig Tsino, at sinadya nitong bungguin ang bapor ng China Coast Guard (CCG) na may numerong 21555, bagay na nagresulta sa isang maliit na gasgas.
Batay sa batas, isinagawa ng CCG ang mga katugong hakbangin at ang mga aksyon nito ay propesyonal, mapagtimpi, at makatuwiran.
Sino ang nagsulsol ng kaguluhan sa South China Sea, at nakapinsala sa kapayapaan ng rehiyon?
Ang nasabing insidente ng pagbunggong ang pinakahuling plano ng Pilipinas sa karagatang ito.
Ginagamit ng panig Pilipino ang magkakaibang paraan, upang isakatuparan ang tangka nito sa pagsakop ng mga pulo’t batuhan ng Tsina sa South China Sea.
Kabilang dito ay pagluluto ng pekeng balita, upang ibunton ang sisi sa Tsina; paglulunsad ng umano’y “Maritime Zones Act,” para dagdagan ang bentahe sa negosasyon sa Tsina; at pagbuo ng alyansa.
Sa kasalukuyan, pinapasulong ng Tsina at mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagtatakda ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).
Sa ngayon, natapos na ang ika-2 pagbasa ng panukalang negotiating text ng COC, at nagsimula na rin ang ika-3 pagbasa.
Ang kapayapaan at kooperasyon ay komong hangarin ng mga bansa sa rehiyon, kaya kailangang huminahon ang Pilipinas, at pakinggan ang tinig ng ibang mga panig na kinabibilangan ng mga kapitbansa.
Dapat mapagtanto ng Pilipinas ang polisya ng Amerika sa rehiyon ng Asya-Pasipiko, at ang kusang-loob ng pagsunod ng Pilipinas sa estratehiya ng Amerika ay parang isang na pusta.
Base sa kasaysayan, ang nagpapagamit, ang naiiwanan sa bandang huli!
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Kalagayan ng South China Sea, matatag sa kabuuan – Ministring Panlabas ng Tsina
Tsina sa mga bansa sa labas ng rehiyon: huwag magsulsol ng kaguluhan sa South China Sea
Tsina, may di-mapapabulaanang soberanya sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao
Walang umano’y “panliligalig” ng panig Tsino sa bapor na Pilipino — Tagapagsalitang Tsino