(Video) Pandaigdigang Araw ng Tsaa

2024-05-21 11:06:32  CMG
Share with:


Ipinagdiriwang ngayong araw, Mayo 21, 2024 ang Ika-5 Pandaigdigang Araw ng Tsaa.

 

Tsina ang pinagmumulan ng tsaa at mayroon itong humigit-kumulang 6000 taong kasaysayan ng pagtatanim, at 2400 taong kasaysayan ng pagsipsip.

 

Sa loob ng libu-libong mga taon, patuloy na sumusulong ang iba’t ibang teknik ng pagtatanim ng tsaa. Habang, maraming beses namang nagbago-bago ang paraan ng paggawa ng tsaa.

 

Noong una, ginamit ang tsaa bilang gamot at pagkain. Pagkaraan ng ilang henerasyon at inobasyon, umunlad ito at hanggang sa ngayon itinuturing itong popular na inuming nagugustuhan ng mga tao. Ginagampanan nito ang mahalagang papel para sa mga pampulitika, pangkabuhayan at pangkulturang aktibidad ng Tsina.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil