Ipinahayag ngayong araw, Hulyo 17, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na laging nagsisikap ang panig Tsino para maayos na hawakan ang isyung pandagat sa Pilipinas, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Aniya, sa katatapos na ika-9 na pulong ng bilateral na mekanismo ng konsultasyon (BCM) ng dalawang bansa sa isyu ng South China Sea (SCS), tinalakay ang pagpapabuti ng ugnayan sa mga isyung pandagat.
Sumang-ayon aniya ang Tsina at Pilipinas sa ibayo pang pagpapalakas ng diyalogo at diplomatikong ugnayan, at pagpapa-inam ng pagsasanggunian ng mga coast guard ng dalawang panig para magkasamang pangalagaan ang katatagan ng kalagayang pandagat at relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio