Great Hall of the People, Beijing – Sa kanyang pakikipag-usap Lunes, Hulyo 29, 2024 kay dumadalaw na Pangulong Jose Ramos-Horta ng Timor-Leste, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ito ang kauna-unahang dalaw-pang-estado ng pangulo ng Timor-Leste sa Tsina, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, kaya ito’y may historikal na katuturan.
Aniya, si Pangulong Horta ay tagapagtatag at tagapagtanggol ng pagkakaibigan ng Tsina at Timor-Leste, at kasama niya, handang isagawa ng Tsina ang makabagong plano sa pag-unlad ng bilateral na relasyon, upang pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership sa makabagong antas, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Saad naman ni Horta, mahalagang ambag ang ginawa ng Tsina sa pangangalaga ng multilateralismo at kapayapaan ng daigdig, at ipinakikita nito ang pagmamahal ng Tsina sa kapayapaan.
Ang Tsina aniya ay malaking tagapag-ambag sa kapayapaan ng daigdig at biyaya ng sangkatauhan.
Pinasalamatan din niya ang suporta ng panig Tsino sa pag-unlad ng Timor-Leste.
Salin: Vera
Pulido: Rhio