Di-pormal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, idinaos

2024-08-17 09:29:06  CMG
Share with:

Chiang Mai, Thailand — Idinaos Agosto 16, 2024 ang di-pormal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand.


Dumalo rito ang mga Ministrong Panlabas na sina Wang Yi ng Tsina, Saleumxay Kommasith ng Laos, U Than Swe ng Myanmar, at Eksiri Pintaruchi, Permanent Secretary for Foreign Affairs ng Thailand.


Inihayag ni Wang na ikinababahala ang kasalukuyang situwasyon ng Myanmar.


Kaugnay nito, iniharap niya ang 3 mungkahi: una, dapat kapit-bisig na suportahan ang Myanmar sa maayos na pagpapasulong ng proseso ng kompromiso at kapayapaan sa bansa alinsunod sa batas; ikalawa, dapat kapit-bisig na suportahan ang mga mamamayan ng Myanmar sa pagkahulagpos sa kasalukuyang kahirapan; ikatlo, dapat kapit-bisig na suportahan ang maayos na pagresolba sa isyu ng Myanmar sa porma ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Inilahad naman ng panig Myanmar ang kasalukuyang situwasyon at ginagawang pagsisikap ng kanyang pamahalaan para sa pangangalaga sa katatagan ng bansa.


Nakahanda aniyang ang Myanmar na sa pamamagitan ng di-pormal na pulong, palakasin ang kooperasyon, at palalimin ang pag-uunawaan upang mapanumbalik ang katatagan ng bansa at maisakatuparan ang kompromisong pulitikal sa lalong madaling panahon.


Salin: Lito