Pagpapalalim ng NPC ng pakikipagpalitan sa IPU, patuloy na susuportahan ng Tsina – Xi Jinping

2024-08-20 21:58:44  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Martes, Agosto 20, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga banyagang parliamentaryong lider na kalahok sa komemorasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagsapi ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina sa Inter-Parliamentary Union (IPU), at 2024 interregional seminar sa pagpapatupad ng Sustainable Development Goals (SDGs) para sa mga parliamento ng mga umuunlad na bansa.

 


Winewelkam ni Xi ang pagdalaw sa Tsina ng mga tagapagsalita mula sa mga bansa ng magkakaibang kontinente.

 

“Tayong lahat ay miyembro ng Global South,” dagdag niya.

 


Tinukoy ni Xi na sa kabila ng magkakaibang kondisyon ng sariling bansa, ang Tsina at mga bansa ay matalik na magkapatid at magkatuwang.

 


Tinukoy niyang sa kasalukuyan, mabilis na nagbabago ang kayariang pandaigdig, at kasama ng iba’t ibang bansa, nakahanda ang Tsina na imungkahi ang isang pantay at maayos na multi-polar na daigdig at isang inklusibong ekonomikong globalisasyong makakapaghatid ng benepisyo sa lahat, pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at itatag ang mundo bilang isang may-harmonyang pamilya.

 

Tulad ng dati, susuportahan ng Tsina ang pagpapalalim ng NPC ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa IPU, saad ni Xi.

 


Nakahanda rin aniya ang bansa na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga organong lehislatibo ng ibang bansa, para magkasamang hanapin ang landas tungo sa modernisasyon na angkop sa kondisyon ng kani-kanilang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil