Inilabas, Agosto 20, 2024 ng European Commission ang panukalang pinal na hatol sa imbestigasyon laban sa mga sasakyang de-kuryente (EVs) ng Tsina.
Iminungkahi nitong patawan nang limang taon ng 17% hanggang 36.3% taripa ang EVs na ginawa ng Tsina at Unyong Europeo (EU) sa Tsina.
Kung ipapatupad ang ganitong proteksyonistikong kilos, malubhang makakapinsala ito sa kapakanan ng industriya ng koste ng Tsina, pati na rin sa kaukulang kooperasyon ng Tsina at EU sa kadena ng industriya at suplay.
Kumpara sa inisyal na hatol noong nagdaang Hulyo, maliit na pinababa ng panig Europeo ang pinaplanong taripa sa ilang kompanya ng kotse ng Tsina, na parang ginawa nito ang kompromiso sa takdang digri, pero hindi binabago ang esensya nitong sirain ang patas na kompetisyon, sa pamamagitan ng pagmamalabis sa mga alituntunin at prosedyur ng World Trade Organization (WTO).
Sapul noong huling dako ng Hunyo, mahigit 10 round ng konsultasyong teknikal ang isinagawa ng Tsina at EU, upang resolbahin ang alitan sa EVs, pero hindi lubos na pinakinggan ng panig Europeo ang kuru-kuro ng Tsina, at iginigiit ang maling aksyon.
Ang nasabing pinal na hatol ay ginawa, batay sa “katotohanan” na unilateral na kinikilala ng panig Europeo, sa halip ng katotohanang komong kinikilala ng magkabilang panig.
Sa mula’t mula pa’y nagpupunyagi ang Tsina, upang maayos na hawakan ang alitang pangkalakalan sa EU, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon, pero hindi ito nangangahulugan na hahayaan ng Tsina ang pagpinsala sa sariling interes.
Umapela nitong Agosto 9 ang Tsina sa mekanismo ng pagresolba sa alitan ng WTO hinggil sa pansamantalang hakbangin ng EU laban sa subsidya ng EVs, bagay na nagpapadala ng malinaw na senyal: isasagawa ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin, upang ipagtanggol ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino.
Ayon sa agenda ng EU, isusumite ng European Commission ang pinal na kapasiyahan sa iba’t ibang kasaping bansa, at gagawin ang pinal na hatol bago ang Nobyembre 4.
Sa pagsapit ng pinal na “window period,” kailangang mataimtim na makinig ang panig Europeo sa pananaw sa loob ng EU, at pabilisin ang pakikipagtalakayan sa Tsina sa maayos na solusyon, upang maiwasan ang paglala ng alitang pangkalakalan at pagpinsala sa may pagtitiwalaaang kooperasyon ng Tsina at EU.
Salin: Vera
Pulido: Ramil