Inilabas kahapon, Agosto 24, 2024, ng Tanggapan ng Central Cyberspace Affairs Commission at siyam na iba pang departamento ng pamahalaan ng Tsina ang mga bagong alituntunin para sa koordinadong transpormasyon tungo sa didyital na pag-unlad at berdeng pag-unlad.
Nakatuon ang mga alituntunin sa dalawang pangunahing aspekto, na pagtataguyod sa berde at mababang karbon na pag-unlad ng mga didyital na industriya, at pagpapabilis ng berdeng transpormasyon ng iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng didyital na teknolohiya.
Layon nitong pabilisin ang koordinadong transpormasyon tungo sa didyital na pag-unlad at berdeng pag-unlad, pasulungin ang integrasyon ng mga umuusbong na teknolohiya sa mga berde at mababang karbon na industriya, at palakasin ang paggamit ng mga tradisyonal na industriya ng mga didyital at berdeng teknolohiya.
Bukod sa mga pundamental na prinsipyo, binigyang-diin din sa mga alituntunin ang papel ng mga awtoridad, samahang industriyal, pamantasan, instituto ng pananaliksik, at negosyo, para pasulungin ang nabanggit na transpormasyon.
Editor: Liu Kai