Roundtable ng BFA, idinaos sa Bangkok

2024-08-27 16:02:18  CMG
Share with:

Idinaos Agosto 26, 2024, sa Bangkok, Thailand, ang roundtable meeting ng Boao Forum for Asia (BFA) at nagpadala si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ng mensahe bilang pagbati sa pagbubukas ng pulong.

 

Ipinahayag ni Zhang Jun, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na ang mga bansang Asyano ay nasa gitna ng entablado ng dagidig at may responsibilidad ang Asya na ilabas ng mga boses ng Asya at isulong ang mga solusyong Asyano sa mga kritikal na sandali.

 

Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas, pinuri ni Dennis Francis, Presidente ng United Nations General Assembly, na napapanahon ang pulong at gumaganap ng mahalagang papel sa pagtataguyod ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran.

 

Sa pagpupulong, ipinahayag ni Ban Ki-moon, Tagapangulo ng porum, na inisyal na nakatakdang idaos ang taunang pulong ng 2025 BFA mula Marso 25 hanggang 28, 2025, sa Boao ng lalawigang Hainan ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil