Ipinagdiinan Agosto 26, 2024, ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang pangangailangan ng aktibong pagtugon sa pagtanda ng populasyon at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng mga serbisyo ng pag-alaga sa mga matatanda.
Winika ito ni Li sa isang sesyon ng pag-aaral na idinaos ng Konseho ng Estado.
Binigyan-diin niya na kailangang bumuo ng mga bahay at mga serbisyo sa pag-alaga sa mga matatandang nakabatay sa komunidad, pabutihin ang network ng mga serbisyo ng pag-alaga sa mga matatanda sa kanayunan, at suportahan ang lokal na pamahalaan sa pagkakaloob ng tulong sa pag-alaga sa mga matatanda batay sa aktwal na lokal na kondisyon.
Aniya, palalakasin ng pamahalaan ang pinansyal na seguridad para suportahan ang mga matatanda, pabutihin ang pinag-isang pambansang sistema ng pangangasiwa para sa pangunahing pondo ng pagseseguro ng matatanda, at bumuo ng isang multi-tiered at multi-pilar na sistema ng pagseseguro para sa katandaan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil