Li Ganjie, nakipagpulong sa Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Serbisyo Sibil ng Kambodya

2024-08-27 14:57:05  CMG
Share with:

Nakipagkita Agosto 26, 2024, sa Beijing, si Li Ganjie, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Departamento ng Organisasyon ng Komite Sentral ng CPC, kay Hun Manet, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Serbisyo Sibil ng Kambodya.

 

Ipinahayag ni Li, na mataas na pinapahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Kambodyano at nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Kambodya para ipatupad ang mga mahalagang pinagkasunduan ng mga lider ng dalawang partido at bansa, pasulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kambodya sa makabagong panahon, at higit na makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Hun ang lubos na pasasalamat sa ibinibigay na suporta ng panig Tsino sa panig Kambodyano sa mahabang panahon.

 

Matatag aniyang sinusuportahan ng panig Kambodyano ang mga nukleong kapakanan ng Tsina, at nakahandang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan.


Salin: Qiu Siyi

Pulido: Ramil