Nagtagpo ngayong araw, Agosto 27, 2024 sa Beijing sina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Komisyong Sentral ng Departamento ng Ugnayang Panlabas ng CPC, at Jake Sullivan, National Security Advisor ng Amerika.
Sa panahon ng panunungkulan ni Sullivan, ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina at ang pagdalaw na ito ay isang mahalagang hakbangin rin para sa magkabilang panig na isakatuparan ang napagkasunduan ng dalawang pinuno ng estado sa kanilang pagpupulong sa San Francisco noong 2023.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil