Sesyon ng pinakamataas na lehislatura ng Tsina, idaraos sa Setyembre

2024-08-28 15:28:23  CMG
Share with:


Idaraos sa Beijing ang ika-11 sesyon ng Ika-14 na Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) mula Setyembre 10 hanggang Setyembre 13, 2024.

 

Ang desisyong ito ay nagawa Martes, Agosto 27, 2024, sa isang pulong ng Pirmihang Lupon ng NPC na pinamunuan ng Tagapangulo nitong si Zhao Leji.

 

Salin: Qiu Siyi

 

Pulido: Rhio