Hinggil sa Style Street Snap Celebrities Creative Life 2011 Christmas |
|
Mga Artikulo "2012 Magic Art Special Exhibition," binuksan sa Hangzhou
Para sa mga taong laging laman ng mga galeriyang pansining, isa nang alituntunin ang pagtingin lamang at hindi paghipo sa mga obra. Pero, sa Art Attack: 2012 Magic Art Special Exhibition, na binuksan noong ika-7 ng Hulyo, sa lunsod ng Hangzhou, probinsya ng Zhejiang, ang lahat ay pinapayuhang isantabi ang kaisipang ito, at makipaginteraksyon sa mga kamangha-manghang 3D artwork.
Ang naturang eksibisyon ay kasalukuyang idinaraos sa Hangzhou Peace International Exhibition Center at tatagal hanggang ika-6 ng Agosto. Lahat po ng mahihilig sa sining ay inaanyayahan naming bumisita sa 2012 Magic Art Special Exhibition para personal na makita't maranasan ang kagandahan ng mga 3D artwork na ito, na talaga namang magpapa-wow sa inyo.
| Walang kulay pero puno ng buhay--kuwento ng mga kuha ni Red Ognita
Si Ginoong Red Ognita ay isang Filipino na nakatira sa Beijing nang mahigit 10 taon. Nagtatrabaho siya sa isang embahada dito sa Beijing, at apisyunado sa pagkuha ng larawan. Ang mga larawan na kuha niya ay nagwagi ng mga gantimpala sa Tsina, at maging sa ibang bansa, kabilang dito ang International Photography Awards sa US, Beijing in the Eyes of a Foreigner Award at Prix de la Photographie 2011 Fine Art Category sa Pransya.
Bakit mahilig si Ognita sa photography? "Maybe because I like the experience – a quiet time from the real world and an opprtunity to create. And that, is very satisfying" sabi niya. Sa katunayan, ang karamihan ng mga larawan ni Ognita ay black & white, at sa pamamagitan ng mga larawang ito, mahahanap ninyo ang katahimikan, sa kalikasan man o sa puso.
Narito ang ilan sa mga magagandang larawan na kinuha ni Ognita, at kung gusto ninyong mas makilala si Red Ognita at malaman ang mas maraming kuwento tungkol sa kanyang mga larawan, subaybayan ang aming programang "Mga Pinoy sa Tsina" sa susunod na Martes.
| Sinasalubong ng CRI ang pagdating ng Pasko
Sinasalubong ngayon ng buong mundo ang pagdating ni Santa Clause, at nagiging painit nang painit ang atmospera ng kapaskuhan. Dumating kamakailan ng office building ng China Radio International si Santa Clause. Makikita ninyo ang iba't ibang makukulay na dekorasyong pampasko sa bawat sulok ng CRI. Bukas ang Christmas eve, sa ngalan ng lahat ng mga miyembro ng pamilya ng Serbisyo Filipino, pinasasalamatan ko ang inyong pagkatig nitong nakalipas na isang taon, at binabati kayong lahat ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
| Xmas tree lighting ceremony sa Congress Building ng E.U.
Sa harap ng gusali ng kongreso ng Estados Unidos sa Washington. Idinaos dito kamakalawa ang seremonya ng pagpapailaw ng Christmas tree. 118 taong gulang na ang naturang Christmas tree na galing sa estado ng California ng Estados Unidos. Ang Christmas tree na ito na halos 20 metro ang taas at 3768 kilogramo ang timbang ay napapalamutian ng mahigit 10 libong LED lamp at mahigit 2000 dekorasyong yari sa kamay...
| Toronto Santa Claus Parade
Papalapit nang papalapit ang Pasko, at pasigla nang pasigla ang atmospera ng kapistahan sa iba't ibang sulok ng daigdig. Sa aking blog ngayong araw, pag-uusapan natin ang hinggil sa Pasko. Bilang isa sa mga pinakamahalagang kapistahan sa ilang bansa, maraming makukulay na selebrasyon ang inihahandog sa panahon ng kapaskuhan na gaya ng Misa, parties, evening galas at Christmas parades. May katangi-tanging taunang Christmas Parades sa maraming lugar, pero isasalaysay ko sa inyo ang Santa Claus Parade sa Toronto...
| Deng Hao's Haute Couture 2012 Collections
Sa China Fashion Week kamakailan dito sa Beijing, idinispley ang Deng Hao's Haute Couture 2012 Collections na nagtampok sa "Chinese Red". Si Ginang Deng Hao ay isang kilalang fashion designer sa Tsina. Sa pamamagitan ng katangi-tanging teknik ng pagni-knitting, ipinakikita ng kanyang kamangha-manghang disenyo ang pinagsama-samang estruktura ng mga gusaling Islamiko, mga klasikal na larawan at kulay sa simbahan sa mga bansang kanluranin at sining ng Tsina...
| Kagandahan ng taglagas sa lente ng kamera
Pagkaraang makapagpaalam sa tag-init, sasalubungin naman natin ang pagdating ng taglagas. Sa katunayan, ang kalilipas na tag-init ay ang pinakapaborito kong panahon—kaakit-akit na kababaihang nakasuot ng makukulay na palda, masasarap na ice-cream, sikat ng araw, etsetera, etsetera...
| More>> |
|
|
Comments |