|
||||||||
|
||
Para sa mga taong laging laman ng mga galeriyang pansining, isa nang alituntunin ang pagtingin lamang at hindi paghipo sa mga obra.
Pero, sa Art Attack: 2012 Magic Art Special Exhibition, na binuksan noong ika-7 ng Hulyo, sa lunsod ng Hangzhou, probinsya ng Zhejiang, ang lahat ay pinapayuhang isantabi ang kaisipang ito, at makipaginteraksyon sa mga kamangha-manghang 3D artwork.
Ang naturang eksibisyon ay kasalukuyang idinaraos sa Hangzhou Peace International Exhibition Center at tatagal hanggang ika-6 ng Agosto.
Lahat po ng mahihilig sa sining ay inaanyayahan naming bumisita sa 2012 Magic Art Special Exhibition para personal na makita't maranasan ang kagandahan ng mga 3D artwork na ito, na talaga namang magpapa-wow sa inyo.
Bilang patikim, narito po ang ilang piling larawan mula sa naturang eksibisyon. Sana ay maibigan ninyo.
Back to Blog ni Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |