|
||||||||
|
||
Papalapit nang papalapit ang Pasko, at pasigla nang pasigla ang atmospera ng kapistahan sa iba't ibang sulok ng daigdig. Sa aking blog ngayong araw, pag-uusapan natin ang hinggil sa Pasko.
Bilang isa sa mga pinakamahalagang kapistahan sa ilang bansa, maraming makukulay na selebrasyon ang inihahandog sa panahon ng kapaskuhan na gaya ng Misa, parties, evening galas at Christmas parades. May katangi-tanging taunang Christmas Parades sa maraming lugar, pero isasalaysay ko sa inyo ang Santa Claus Parade sa Toronto.
Idinaos ang unang Toronto Santa Claus parade noong taong 1905, at hanggang ngayon, 107 taong gulang na ito. Idinaraos ang Toronto Santa Claus parade sa kalagitnaan ng Nobyembre bawat taon, at itinuturing itong palatandaan ng paglapit ng Pasko. May magkakaibang tema ang parade na ito, at makikita ninyo ang iba't ibang kawili-wiling cosplay at mga katangi-tanging festival floats. Narito ang ilang larawan na kinuha sa katatapos na Toronto Santa Claus parade sa taong ito.
Back to Blog ni Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |