Pagkaraang makapagpaalam sa tag-init, sasalubungin naman natin ang pagdating ng taglagas. Sa katunayan, ang kalilipas na tag-init ay ang pinakapaborito kong panahon—kaakit-akit na kababaihang nakasuot ng makukulay na palda, masasarap na ice-cream, sikat ng araw, etsetera, etsetera... Hindi ko gusto ang taglagas, lalung lalo na dito sa Beijing dahil sa mahanging panahon at masamang kondisyon ng hangin sa panahon ng sand storm. Pero pagkaraang makita ang sumusunod na mga larawan, nagbago ang atityud ko. Talagang kaakit-akit ang magagandang tanawin sa taglagas sa loob ng kamera. Kung masasabing sariwa ang tagsibol, masigla ang tag-init, at parang fairytale ang maniyebeng taglamig, tahimik na tahimik ang kagandahan ng taglagas sa mga larawang ito. Lalong hindi mapipigilan ang bilis ng ating pamumuhay, at kailangang-kailangan natin ang katahimikan—sa pang-araw-araw na pamumuhay man o sa ating mga puso!
Back to Blog ni Vera