Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okay kayo diyan, okay din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e!
Nitong ilang taong nakalipas, ang mga programa ng Serbisyo Filipino ay lubos na kinagigiliwan ng mga tagapakinig na walang sawang nagpapadala ng maraming liham, e-mail, mensahe araw-araw. Taos pusong nagpapasalamat ang Serbisyo Filipino sa pagkatig ng mga kaibigang Pilipino.
Pagpasok sa Hunyo, regular na pipili kami ng Most Valueable Message Sender mula sa lahat ng kaibigang patuloy na nag-iiwan ng mensahe sa aming message board o nagteteks sa amin sa 09212532397. Padadalhan namin sila ng delicate souvenir items.
|