.

        Isa sa aking mga pangarap ay libutin ang buong mundo, France, New York, Norway, South Africa at iba pa… kaya lang hindi pa afford e, kaya China muna.

        Nais niyo bang maglakbay sa Tsina? Nais niyo bang lalong kilalanin ang Tsina? Alamin ang magagadang lugar sa Tsina? Masasarap na pagkain sa Tsina? Ang makabuluhang kultura ng Tsina?

        Halika't isasama ko kayo sa aking paglilibot sa ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Subaybayan niyo din ang mga Travel Tips na aking inihanda sa bawat lugar. 

        Ito po si Joshua, ang inyong "Biyahero sa Tsina".

Kuwento ng Paglalakbay
• Ang Harding Punong-puno ng Leon

 

Isa pa sa mga harding ipinagmamalaki ng Suzhou ay ang Lion Grove Garden o Shi Zi Lin Yuan. Kilala ang hardin na ito dahil sa higanteng grotto ng batong Taihu sa gitna ng hardin. Ang mga batong ito daw ay may hitsurang mga leon, kaya naman itinawag ang hardin na ito na Lion Grove Garden. At ito ay kasama sa listahan ng UNESCO World Heritage Site...

 

 

• Munting Hardin ng Suzhou

 

Maliban sa Administer's Humble Garden, ang Master of Nets Garden or Wangshiyuan ay isa din sa mga pinakamaganda at pinakakilalang hardin sa Tsina. Ito ay isa sa mga klasikal na hardin sa Suzhou na kabilang sa UNESCO World Heritage Site. Hindi lamang dahil sa ganda ng hardin kaya ito kilala sa buong Tsina kung hindi dahil din sa kakaibang konstruksiyon nito na nagbibigay ng isang ilusyon...

 

• Ang Hardin ng isang Simpleng Pinuno

 

Isa sa pinakadinadayuhang hardin sa Suzhou ay ang Humble Administrator's Graden. Ito ang pinakamalaking hardin sa Suzhou na may lawak na 51,910sqm, ito din ang pinakamagandang hardin sa timog ng Tsina. At noong 1997, ang Humble Administrator's Garden ay idineklarang UNESCO World Heritage Site...

 

 

More>>
Latest trips
• 

The Ice City


Noong nakaraang pasko ng 2009, nagkaroon ako ng pagkakataong makapunta sa isa sa pinakamalamig na lugar sa Tsina tuwing winter season. Sa mga araw ng aming paglagi doon, pinakamainit na yata ang -20 degrees celcius...
• 

Makasaysayang Syudad


Bundok Hua, Big Wild Goose Pagoda at Terracotta Warriors. Alam niyo na ba ang aking itinuturing syudad? Ang tinutukoy ko at napuntahan ko noong nakaraang summer vacation ay ang syudad ng Xi'an...

Pinakamakasaysayang Syudad

• Xi'an
Pinakamalamig na Syudad

• Harbin
Pinakaromantikong Syudad

• Tianjin
More>>
Pinakahot na Syudad
comments