Ika-8 round ng usapang militar ng Tsina at India, ginanap

2020-11-08 16:18:00  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, Linggo, Nobyembre 8, 2020, ginanap nitong Biyernes ng Tsina at India ang ika-8 round ng pag-uusap sa antas ng komander.
 

Anang pahayag, malaliman at konstruktibong nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa disengagement sa Line of Actual Control sa kanlurang bahagi ng purok-hanggahan ng dalawang bansa.
 

Kapuwa sinang-ayunan ng magkabilang panig na mataimtim na ipatupad ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at igarantiya ang pagtitimpi ng mga tropa sa prontera, para maiwasan ang maling pagkaunawa at miskalkulasyon.
 

Sang-ayon din ang kapuwa panig na panatilihin ang pag-uugnayan, sa pamamagitan ng tsanel na militar at diplomatiko, ibayo pang pasulungin ang pagresolba ng ibang mga problema, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa purok-hanggahan.
 

Salin: Vera

Please select the login method