14℃
Beijing

Ika-37 ASEAN Summit, ipininid; magkakapit-bisig na pagharap sa pandemiya, ipinagdiinan

2020-11-16 16:18:12  CMG
Share with:

Ipininid nitong Linggo, Nobyembre 15, 2020 ang Ika-37 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya.
 

Sa panahon ng naturang mga pulong, tinalakay ng iba’t ibang bansa ng ASEAN at mga dialogue partner nito ang mga paksang gaya ng pagharap sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapanumbalik ng ekonomiya pagkatapos ng pandemiya, paglagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at iba pa.
 

Narating din sa pulong ang mahalagang bunga.
 

Samantala, sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Nguyễn Xuân Phúc, Punong Ministro ng Biyetnam (kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN), na nagkaroon ng komong palagay ukol sa ibayo pang pagpapatingkad ng lakas-panulak para sa pag-unlad ng relasyon ng ASEAN at mga partner nito.
 

Ipinagdiinan aniya sa pulong ang multilateral na kooperasyon at liberalisasyon ng kabuhayan, at sinang-ayunan ang patuloy na pangangalaga at pagpapalakas ng katayuang sentral ng ASEAN, at pagpapasulong sa diyalogo at kooperasyon, dagdag niya.
 

Sa seremonya ng pagpipinid, inilipat ng Biyetnam sa Brunei ang tungkulin bilang tagapangulong bansa ng ASEAN para sa taong 2021.
 

Salin: Vera

Salin:维拉
标签:ASEAN

Koment( Komento)

Please select the login method