Xi Jinping: Pasusulungin ang kooperasyon ng BRICS sa paglikha ng bakuna

2020-11-17 20:50:58  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Ika-12 virtual summit ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na upang mapasulong ang kontruksyon ng sentro ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna ng mga bansa ng BRICS, itinayo na ng panig Tsino ang sentro ng Tsina sa larangang ito.
 

Nakahanda aniya ang Tsina na sa pamamagitan ng online at offline platforms, pasulungin ang magkakasanib na pananaliksik, pagdedebelop, pagsubok, magkakasamang pagtatatag ng pagawaan, autorisadong pagpoprodyus, pagkilala sa pamantayan ng isa’t isa at iba pang gawaing may kinalaman sa bakuna ng limang bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method