18, kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong Nobyembre 29 sa Tsina

2020-11-30 15:23:29  CMG
Share with:

Ayon sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina Lunes, Nobyembre 30, 2020, mula noong hating gabi ng Nobyembre 29 hanggang magha-hating gabi ng Nobyembre 30, 18 ang bilang ng naiulat na kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Kabilang dito, 3 ang domestikong kaso sa Inner Mongolia Autonomous Region, at 15 iba pa ang imported na kaso.

 

Bukod pa riyan, walang karagdagang kaso ng namatay.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method