Ascender ng Chang'e-5 probe, humiwalay mula sa orbiter at returner

2020-12-06 16:26:35  CMG
Share with:

Ascender ng Chang'e-5 probe, humiwalay mula sa orbiter at returner

Ayon sa pinakahuling ulat ng China National Space Administration (CNSA), pagkaraang ilipat sa returner ang 2 kilong sample ng lupa at bato na nakolekta mula sa Buwan, humiwalay ngayong tanghali, Linggo, ika-6 ng Disyembre 2020, ang ascender ng Chang'e-5 probe mula sa orbiter at returner.

 

Sa kasalukuyan, patuloy na lumilipad sa paligid ng Buwan ang orbiter at returner, at hinihintay na lamang ang perpektong sandali para bumalik ang returner sa Mundo.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method