Kooperasyon sa UHD broadcasting, palalakasin ng China Media Group at China Mobile

2020-12-08 21:06:59  CMG
Share with:

Nilagdaan nitong Martes, Disyembre 8, 2020 ng China Media Group (CMG) at China Mobile ang kasunduan hinggil sa pagtutulungan sa nilalaman o content at copyright.

 

Kooperasyon sa UHD broadcasting, palalakasin ng China Media Group at China Mobile

 

Sa seremonya ng paglalagda, inilunsad din ng dalawang panig ang ultra-high definition (UHD) audio and video communication center sa Beijing, kabisera ng Tsina.

 

Batay rito, gagawin ang mga programa at TV series at isasahimpapawid ang mga pangunahing laro na gaya ng Tokyo Olympics at 2022 Beijing Winter Olympics, sa pamamagitan ng mga teknolohiyang 5G, 4K/8K, at artificial intelligence (AI).  

 

Ang China Media Group ay pangunahing media organization ng Tsina na may iba’t ibang language services sa iba’t ibang plataporma. Samantala, ang China Mobile ay telecommunications services provider ng Tsina na nangunguna sa teknolohiyang 5G.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

 

Please select the login method