Mahigit 300 libong nasawi sa Amerika dahil sa COVID-19; Pagbabakuna sinimulan na

2020-12-15 10:42:30  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Lunes, Disyembre 14, 2020 ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang noong alas-15:26 ng Lunes  (Eastern Standard Time, EST), lumampas na sa 300 libo ang bilang ng mga nasawi sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Umabot naman sa 16,388,504 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso.

 

Ayon pa sa ulat,  nitong Lunes, sinimulan na  ng Amerika ang pagbabakuna sa mga tao. Unang binakunahan ang mga tauhang medikal at mga naninirahan sa nursing facilities na gaya ng mga homecare.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method