Ministring Panlabas ng Tsina: Pompeo, bihasa sa pagbaligtad ng tama at mali

2021-01-13 15:55:21  CMG
Share with:

Sa kanyang tweet nitong Lunes, Enero 11, 2021, muling binatikos ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika ang praktika ng Tsina sa mga institutong pandaigdig na gaya ng World Health Organization (WHO).
 

Kaugnay nito, tinukoy nitong Martes ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa mula’t mula pa’y ang Tsina ay tagapagtatag ng kapayapaan ng daigdig at tagapagtanggol ng kaayusang pandaigdig.
 

Ang Amerika aniya ay pinakamalaking di-matatag na elementong nagsasapanganib sa kayapaan at kaligtasan ng mundo, at nakakasira sa multilateral na kooperasyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method