Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 124 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Enero 24, 2021.
Kabilang dito, 117 ang domestikong kaso, samantalang 7 naman ang nagpositibong galing sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hating gabi ng Enero 25, 1,850 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
Samantala, 4,635 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera