Xi Jinping, nagpadala ng pagbati sa Republic Day ng India; tinukoy ang India bilang mahalagang kapitbansa

2021-01-26 15:13:04  CMG
Share with:

Nagpadala Martes, Enero 26, 2021 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Indian counterpart na si Ram Nath Kovind, bilang pagbati sa Ika-72 Republic Day ng India.
 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at India ay mahalagang magkapitbansa. Sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pabagu-bagong kalagayan, ang pagpapanatili ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Indian ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, kundi may mahalagang katuturan din para sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon at buong mundo.
 

Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Kovind, upang mapasulong ang pag-unlad ng bilateral na relasyon sa tumpak na landas.
 

Salin: Vera

Please select the login method