Premyer Tsino, nakiisa sa pagdiriwang ng Republic Day ng India; umaasang pangangalagaan ang mabuting ugnayan

2021-01-26 15:14:56  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe kay Punong Ministro Narendra Modi ng India, binati Martes, Enero 26, 2021 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang India sa pagdiriwang ng  Ika-72 Republic Day.
 

Saad ni Li, ang mainam na pangangalaga at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Indian ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Umaasa aniya siyang magkasamang magpupunyagi ang kapuwa panig, maayos na hahawakan ang mga alitan, pasusulungin ang kooperasyon, at isasakatuapran ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method