Xi Jinping, nagpa-abot ng pagbati sa muling pagkahalal ni Rebelo de Sousa bilang pangulo ng Portugal

2021-01-28 12:56:07  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Miyerkules, Enero 27, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Marcelo Rebelo de Sousa, bilang pagbati sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Portugal.
 

Tinukoy ni Xi na noong isang taon, sumulong ang kooperasyon ng Tsina at Portugal sa larangan ng kalusugan at paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at nagkaroon din ng bagong progreso ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig.
 

Ani Xi, lubos na mahalaga ang pag-unlad ng relasyong Sino-Portuguese, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong de Sousa, upang mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng bagong bunga ng bilateral na relasyon, at makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method