Pangulong Tsino, kinumusta ang kanyang Suriname counterpart na nahawa sa COVID-19

2021-01-29 12:11:58  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Chandrikapersad Santokhi ng Suriname, bilang pangungumusta matapos siyang magpositibo sa coronavirus, at ipinaabot ang pag-asang gagaling siya sa lalong madaling panahon.
 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, inihayag din ni Xi ang buong tatag na suporta sa paglaban ng pamahalaan at mga mamamayan ng Suriname sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Lubos ang pag-asa niyang mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Surinamese ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
 

Salin: Vera

Please select the login method