Ikalimang ensayo para sa CMG Spring Festival Gala, isinagawa

2021-02-10 17:14:14  CMG
Share with:

Ikalimang ensayo para sa CMG Spring Festival Gala, isinagawa_fororder_微信图片_20210210163716

 

Isinagawa kahapon, Martes, Pebrero 9, 2021, ang ikalima at huling ensayo para sa Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Sa kasalukuyan, handang-handa na ang lahat para sa pagsasahimpapawid ng naturang gala sa Pebrero 11, bisperas ng Spring Festival o Chinese New Year.

 

Ang Spring Festival Gala ay espesyal na programa ng CMG bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Chinese New Year.

 

Ito ay isinahimpapawid sa kauna-unahang pagkakataon noong 1983, at kinilala ng Guinness Book of World Records bilang TV program na pinanood ng pinakamaraming tao sa buong daigdig.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method