Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya

2021-02-10 14:24:12  CMG
Share with:

Ayon sa tradisyonal na kaugaliang Tsino, sa bisperas ng Chinese New Year, idinidikit ng bawat pamilya ang Spring Festival couplets na bumubuo ng antithetical couplet at horizontal scroll.

 

karaniwang idinidikit ang antithetical couplet sa dalawang panig ng pinto na nagpapahayag ng pag-asa ng magandang pamumuhay sa bagong taon sa pamamagitan ng simpleng mga salita. Ang horizontal scroll naman na karaniwang idinidikit sa itaas ng pinto ay nakakapagpatingkad ng masusing kahulugan.

 

Madalas na nagmumula ang nilalaman ng mga Spring Festival couplets sa mga tradisyonal na paralelismo o alusyong Tsino.

 

Sa pang-araw-araw na buhay, madalas ding sinisipi ng mga mamamayan, maging mga lider na Tsino, ang mga alusyon para ipahayag ang kanilang hangarin ng pagbati, pag-asa at paghikayat.

 

Magkapamilya ang buong daigdig. Sa pamamagitain ng pitong Spring Festival couplets ipinaabot ng mga Tsino ang pagbati ng Manigong Bagong Taon sa lahat.

 

Malugod na inaanyayahan din namin ang lahat na ibahagi ang mga Spring Festival couplets sa inyong mga kaibigan.

 

Sa sandali ng pagpapaalam sa luma at pagsalubong ng bagong araw, sama-sama nating hangad ang kapayapaan ng daigdig at kaligayahan ng lahat ng mga pamilya.

 

Anong couplets ang pinakagusto ninyo? Gagawin naming munting alaala na gaya ng T-shirt at notebook ang pinakanatatanging couplets, at ibibigay ito sa mga netizen na sumali sa aktibidad na ito.

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet1550

1.Paliwanag: Sa okasyon ng Spring Festival, nawa’y muling magkita-kita ang pamilya, at maibsan ang pananabik.

 

Ang pagsasayaw ng leon at pagsindi ng paputok ay tradisyonal na kaugalian sa Chinese New Year. At ngayon, nagiging bagong kaugalian ang panonood sa Spring Festival Gala.

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet2550

2.Paliwanag: Ang masaganang pag-ani ay bunga ng kasipagan at kahanga-hanga ang bawat tao. Sana’y lalo pang magsikap sa bagong taon, at makamtan ang maraming bunga.

 

Sa tradisyonal na kultura ng Tsina, ang baka ay kumakatawan sa pagsisigasig. Nitong nakalipas na isang taon, nakita natin ang mga taong nagpunyagi sa iba’t ibang sulok ng mundo na gaya ng mga magsasakang nagsipag para umahon sa kahirapan, mga frontliner na lumalaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at iba pa. Ang bagong panahon ay para sa mga taong nagpupunyagi. Magpunyagi tayo sa Taon ng Baka!

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet3550

3.Paliwanag: Ang binhing itinanim sa tagsibol, aanihin sa taglagas. Sulit lahat ang pagsisikap ng bawat isa. Sana’y maging maligaya at masagana ang lahat sa bagong taon.

 

Sa taong 2020, nalagay sa panganib ang suplay ng pagkaing-butil sanhi ng pandemiya sa buong mundo at alitang pangkalakalan. Ang pagtatanggol sa seguridad ng pagkaing-butil ng daigdig ay may kinalaman sa interes ng bawat indibiduwal.

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet4550

4.Paliwanag: Nawa’y laging magmukhang bata at maging maganda araw-araw. Karapat-dapat na pahalagahan ang ambag ng lahat.

 

Ang kabataan ay hindi lamang isang panahon sa buhay, kundi ito ay kaisipan hingil sa pamumuhay. Panatilihin ang pagkamalikhain, matibay na paninindigan, pagkamasiglahin at malakas na kalooban, sana’y manatili ang pagiging bata araw-araw.

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet5550

5.Paliwanag: Pagdiriwang ang bawat pagtitipon. Magkakasamang likhain natin ang magandang kinabukasan.

 

Milyon milyong mamamayang Tsino ang magdiriwang ng 2021 Spring Festival Holiday. Hindi lamang Spring Festival, kundi pati na rin ang Thaipusam, Songkran, Eid al-Fitr at Pasko, ay ipinagdiwang ng maraming tao sa iba’t ibang bansa ng daigdig sa hindi nakagawiang paraan noong 2020. Salamat sa pagkakaisa ng buong sangkatauhan, tiyak na muling magtitipon ang bawat pamiliya pagkaraan ng COVID-19.

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet6550

6.Paliwanag: Kasabay ng pagdating ng tagsibol, darating ang bagong pag-asa. Asahan natin ang magandang pasok ng bagong yugto ng buhay sa bagong taon!

 

Tiyak na lilipas ang taglamig, at sigurado ring darating ang tagsibol. Sa taong 2021, magkaisa tayo para mapagtagumpayan ang COVID-19.

Pagbati, ipinaaabot ng Spring Festival couplets sa lahat ng pamilya_fororder_20210210couplet7550

7.Paliwanag: Yayabong ang puno kung malalim ang ugat. Ang naipong mumunting mga alon ay lumilikha ng malaking alon sa karagatan.

 

Ang kadakilaan ay nagmumula sa karaniwan. Ang mga bayani ay nagmumula sa karaniwang mamamayan. Kapuri-puri ang lahat. Nagbibigay ang bawat tao ng sariling ambag para labanan ang COVID-19 sa buong daigdig, upang likhain ang mas magandang kinabukasan.


Salin: Lito
Pulido: Mac / Jade

Please select the login method