Piyesta para sa Pestibal ng Tagsibol sa 2021, handog ng China Media Group

2021-02-11 23:50:53  CMG
Share with:

 

Sa bisperas ng Bagong Taong Tsino ng Baka o Year of the Ox, itinanghal ngayong gabi, Pebrero 11 ng China Media Group (CMG) ang 2021 Spring Festival Gala.

 

Ang Spring Festival Gala ay taunang pagtatanghal ng samu’t saring palabas na pansining na gaya ng awitin, sayaw, opera, at iba pa.

 

Nitong mahigit tatlong dekada, ang panonood ng gala habang nagsasalu-salo ang buong pamilya ay nagiging kaugalian ng sambayanang Tsino para salubungin at ipagdiwang ang bagong taon.

 

Tampok sa 2021 Spring Festival Gala, ang pagsisikap at natamong bunga sa pag-ahon sa kahirapan at pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, kasama ng katangi-tanging kulturang tradisyonal ng Tsina.

 

Mapapanood ito hindi lamang sa telebisyon, kundi sa iba pang mga plataporma ng new media, sa pamamagitan ng high-tech na gaya ng AI at glasses-free 3D.

 

Mahigit 600 media organizations mula sa 170 bansa’t rehiyon ng daigdig ang nag-ere ng gala.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac  

Please select the login method