CMG 2021 Spring Festival Gala, pinanood ng 1.14 bilyong tao

2021-02-12 11:44:12  CMG
Share with:

CMG 2021 Spring Festival Gala, pinanood ng 1.14 bilyong tao_fororder_1613062364152_585

 

Sa bisperas ng Bagong Taong Tsino o Spring Festival, isinahimpapawid kagabi, Huwebes, Pebrero 11, 2021, ng China Media Group (CMG) ang 2021 Spring Festival Gala.

 

Kasabay ng pagdiriwang sa pinakamahalagang tradisyonal na kapistahang Tsino, ipinakita rin ng mga palabas ang mga natamong bunga ng Tsina nitong isang taong nakalipas sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas, pagpawi ng karalitaan, paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at mga iba pang aspekto.

 

Ayon naman sa inisyal na estadistika, hanggang noong hatinggabi, pinanood ang naturang programa ng 1.14 bilyong tao, na kinabibilangan ng 571 milyon sa telebisyon, at 569 milyon sa pamamagitan ng PC, tablet, at mobile phone.

 

Samantala, isinahimpapawid din ang Spring Festival Gala sa mahigit 600 media ng mahigit 170 bansa at rehiyon ng daigdig, at sa mga pandaigdigang online platform na gaya ng Youtube at Facebook.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method