Pagbati sa Chinese New Year, ipinaabot ng Pangulo ng Ethiopia kay Xi Jinping

2021-02-14 11:42:10  CMG
Share with:

Isang liham bilang pagbati sa Chinese New Year ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Sahle-Work Zewde ng Ethiopia sa kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping.
 

Anang liham, sa okasyon ng bagong taon ng baka ng Tsina, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Ethiopia at siya mismo, ipinaabot ni Pangulong Sahle-Work Zewde ang taos-pusong pagbati kay Pangulong Xi at sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino.
 

Anang liham, noong isang taon, kasiya-siyang itinaguyod ng dalawang bansa ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang relasyong diplomatiko. Nasa pinakamagandang lebel sa kasaysayan ang bilateral na relasyon, at mabungang mabunga ang kooperasyon nila sa iba’t ibang larangan.
 

Buong pananabik na inaasahan ng Pangulong Ethiopian na uunlad sa mas mataas na antas ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong taon. Sana’y may mas malaking progreso at maging mas masagana ang mga mamamayang Tsino sa taon ng baka.
 

Salin: Vera

Please select the login method