14℃
Beijing

Ika-2 sesyon ng High-level Strategic Dialogue ng Tsina at Amerika, pormal na sinimulan

2021-03-19 12:48:49  CMG
Share with:

Pormal na sinimulan Huwebes ng gabi, local time, Marso 18, 2021 ang ika-2 sesyon ng High-level Strategic Dialogue ng Tsina at Amerika na kasalukuyang ginaganap sa Alaska, Estados Unidos.
 

Nauna rito, natapos na ang unang sesyon sa pagitan ng mga delegasyong Tsino’t Amerikano.
 

Ang delegasyong Tsino ay pinamumunuan nina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa.
 

Namumuno naman sa delegasyong Amerikano sina Secretary of State Antony Blinken at National Security Advisor Jake Sullivan ng Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method