Rusya at Amerika, patuloy ang mataas na lebel na pag-uugnayan sa situwasyon sa Ukraine

2021-04-06 10:05:49  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Abril 5, 2021 ni Sergei Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na kasalukuyang nananatili ang mataas na lebel na pag-uugnayan ng Rusya at Amerika hinggil sa kalagayan sa dakong silangan ng Ukraine.

 

Aniya, ipinaabot na ng panig Amerikano ang pagkabahala sa panig Ruso. Ngunit mas kailangang bigyang pansin ng panig Amerikano ang mga kilos ng Ukraine, diin niya.

 

Dagdag pa niya, ngayo’y isinasagawa ng Rusya ang kinakailangang hakbang sa loob ng teritoryo nito. Hindi aniya nito ikokonsedera ang ilang signal na inilabas ng panig Amerikano.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method