Mensahe ng pakikiramay, ipinadala ni Xi Jinping kay Joko Widodo

2021-04-07 10:58:25  CMG
Share with:

Kaugnay ng baha at pagguho ng putik na tumama sa Indonesia kamakailan, ipinadala nitong Martes, Abril 6, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia.

 

Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinahayag ni Pangulong Xi ang lubos na pakikidalamhati sa mga nasawi, at ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at nasugatan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method