Wang Yi, bumati kay Bui Thanh Son sa kanyang panunungkulan bilang FM ng Biyetnam

2021-04-09 13:59:31  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Huwebes, Abril 8, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Bui Thanh Son bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

 

Sa mensahe, ipinahayag ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang pangkalahatang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames, at kapansin-pansing bunga ang natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan niyang magsikap kasama ni Bui Thanh Son para ibayo pang mapalakas ang pagsasanggunian at pagkokoordinahan, mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method