Mga kompanyang Amerikano, ipagpapatuloy ang kooperasyon sa Tsina

2021-04-14 16:32:05  CMG
Share with:

Sa pagdalo sa video meeting kasama ng mga lider ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Amerika na idinaos Abril 13,2021, ipinahayag ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina, na ayon sa komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Amerika, dapat sundin ng dalawang panig ang diwa ng paggagalangan sa isa’t isa at win-win cooperation, igalang ang nukleong kapakanan at mahalagang pagkabalisa ng kapuwang dalawang panig, palakasin ang koordinasyon, palawakin ang aktuwal na kooperasyon, maasyos na hawakan ang pagkakaiba, para magkasamang pasulungin ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

Mga kompanyang Amerikano, ipagpapatuloy ang kooperasyon sa Tsina_fororder_premiyerli

Ipinahayag ng mga kalahok na Amerikano na ang pagbabawas ng alitan at pagpasulong ng pagpapanumbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas, ay angkop sa komong kapakanan ng kapuwang dalawang panig.

 

Aniya ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa, at ang decoupling ay tiyak na magdudulot ng napakalaking di-matatag na epekto para sa Tsina, Amerika at buong daigdig.

 

Ipinahayag rin ng mga kompanyang Amerikano na tiningnan nila ang mabuting kinabukasan at pagkakataon sa Tsina, at patuloy na magsisikap sila para isagawa ang pamumuhunan at ibang kooperasyon sa Tsina sa mahabang panahon.

 

Lumahok sa video meeting ang mga Chairman at CEO ng mahigit 20 kilalang kompanyang Amerikano. At nangulo sa pulong si Henry Paulson, dating Kalihim ng Tesororya at Tagapangulo ng Paulson Institute.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method