Aksyon ng mga bansang kanluranin sa pagsira sa katatagan ng Xinjiang, ibinunyag ng magasin ng Australia; panig Tsino: Naging maliwanag ang katotohanan sa wakas

2021-04-16 15:08:17  CMG
Share with:

Tuluy-tuloy na inilabas kamakailan ng magasing “Australian Alert Service” ng Australian Citizens Party ang 8 espesyal na ulat kung saan detalyadong ibinunyag ang mga aksyon ng ilang bansang kanluranin na gaya ng Amerika sa pagsuporta sa mga separatista’t teroristikong aktibidad sa Xinjiang, batay sa layunin ng geopolitics.
 

Bilang tugon dito, sinabi nitong Huwebes, Abril 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa wakas, naging maliwanag ang katotohanan, at hinding hindi magtatagumpay ang tangka ng Amerika at mga bansang kanluranin sa pagsira sa katatagan at kaunlaran ng Xinjiang.
 

Saad ni Zhao, ang mga kasinungalingan ng Amerika at mga bansang kanluranin ay naglalayong siraan ang Tsina, pero ang tunay na sinira nila ay ang imahe ng Amerika sa puso ng mga mamamayang Tsino. Ibayo pang nagbuklud-buklod ang mga mamamayang Tsino, dahil sa nasabing mga kasinungalingan, at nalaman ang tunay na tabas ng ilang tao sa Amerika at mga bansang kanluranin.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method