100-araw na countdown ng Paralimpiyada, sinalubong ng Tokyo

2021-05-17 12:01:04  CMG
Share with:

Isang simpleng seremonya ang ginanap nitong Linggo, Mayo 16, 2021 sa Tokyo Metropolitan Government Building bilang pagsalubong sa 100-araw na countdown ng pagbubukas ng Tokyo 2020 Paralympic Games.

100-araw na countdown ng Paralimpiyada, sinalubong ng Tokyo_fororder_20210517Tokyo

Mascot ng Tokyo 2020 Paralympic Games sa tabi ng simpolo ng Paralimpiyada
 

Magkasamang inalis nina Koike Yuriko, Gobernador ng Tokyo, at Seiko Hashimoto, Presidente ng Tokyo Olympic organizing committee ang tabing ng simpolo ng Paralimpiyada.
 

Nakatakdang idaos ang Tokyo Paralympic Games mula ika-24 ng Agosto hanggang ika-5 ng Setyembre ng taong ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method