14℃
Beijing

Mga mataas na opisyal ng Tsina at Amerika, nag-usap sa telepono

2021-05-27 15:22:21  CMG
Share with:

Nag-usap Huwebes, Mayo 27, 2021 sa telepono sina Liu He, Pangalawang Premyer Tsino at puno ng delegasyong Tsino sa China-U.S. Comprehensive Economic Dialogue, at Katherine Tai, Trade Representative ng Amerika.
 

Batay sa diwa ng pagkakapantay at paggagalangan, isinagawa ng kapuwa panig ang matapat, pragmatiko’t konstruktibong pagpapalitan.
 

Ipinalalagay ng magkabilang panig na napakahalaga ng pagpapaunlad ng bilateral na kalakalan. Sinang-ayunan nilang patuloy na panatilihin ang pag-uugnayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method