Pangulong Tsino, nagpa-abot ng pangungumusta sa pangulo ng Namibia

2021-06-04 11:30:18  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ni Pangulong Hage Geingob ng Namibia at ng kanyang unang ginang, ipinadala nitong Miyerkules, Hunyo 2, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang personal na pangungumusta at pangungumusta ng kanyang asawang si Peng Liyuan sa unang mag-asawa ng Namibia.
 

Inihayag din niya ang pananabik sa kanilang maagang paggaling.
 

Saad ni Xi, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, nagtutulungan ang dalawang bansa, at magkakapit-bisig na nilalabanan ang pandemiya. Sa prosesong ito, lumalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang panig, saad niya.
 

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pag-unlad ng relasyong Sino-Namibian, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Geingob, para mapasulong ang komprehensibo, estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method